Withdrawal Claim

Frequently Asked

Questions

Ang “withdrawal of membership” ay ang kusang pag-alis ng isang empleyado ng UP bilang miyembro ng UP Provident Fund (UPPF). Ito ay isa sa mga karapatan ng miyembro ng UPPF na nais i-terminate ang kanyang membership, temporarily man o permanente.

Active members lamang, o mga kasalukuyang empleyado ng UP na may patuloy na monthly member’s contribution, ang maaaring mag-apply ng withdrawal of membership. Kung ang miyembro ay nag-retire, nag-resign, o nag-terminate ng employment sa UP, maaari siyang mag-apply ng Retirement Benefit Claim o Resignation/Death/Separation Benefit Claim.

Matatanggal ang lahat ng karapatan at benepisyo na kanyang natatanggap bilang miyembro ng UPPF. Sa pag-withdraw ng membership, ang isang UPPF member ay:

    1. Hindi na covered ng free life insurance na benepisyo para sa lahat ng miyembro ng UPPF;
    2. Hindi na makakatanggap ng buwan-buwan na P300 UP counterpart contribution;
    3. Hindi makakatanggap ng final share (o hati sa kita ng kumpanya) sa taon ng kanyang withdrawal of membership (base sa Board Resolution No. 12-02-2002);
    4. Hindi na maaaring makapag-avail ng kahit anong loan sa UPPF;
    5. Hindi na maaaring bumoto sa Board of Trustees (BOT) elections; at
    6. Hindi na makakatanggap ng kahit anong benepisyo na ibinibigay o ibibigay sa mga miyembro ng UPPF.

Dahil ang withdrawal of membership ay para lamang sa mga miyembro na empleyado pa rin ng UP, maaaring bumalik bilang miyembro ang empleyadong nag-withdraw ng membership. Sundin lamang ang mga patakaran sa ibaba tungkol sa pag-reapply bilang miyembro ng UPPF.

Makukuha ng isang withdrawn member ang portion ng “Member’s Contribution” at “Earnings on Member’s Contribution” ng kanyang Member’s Equity. Maiiwan naman sa UPPF ang portion ng “UP Contribution” at “Earnings on UP Contribution” na maaaring makuha ng withdrawn member sa panahon na siya ay mag-retire, mag-resign, o mag-separate sa UP o sakaling magre-apply siya bilang miyembro ng UPPF.

Ihanda ang requirements na ito upang ma-proseso ang inyong withdrawal of membership application. Maaaring i-submit ang requirements sa aming opisina o via email.

  1. Withdrawal of Membership Form (download below); at
  2. Kopya ng dalawang (2) valid IDs.

Hindi po. Kaakibat ng pag-withdraw ng inyong “Member’s Contribution” at “Earnings on Member’s Contribution” ay ang termination ng inyong membership sa UPPF kaya full termination at full withdrawal ang mangyayari sakaling mag-apply ng withdrawal of membership.

Ang inyong withdrawal of membership claim ay maaaring bawasan ng mga sumusunod:

Member’s Equity (portion of Member’s Contribution and Earnings on Member’s Contribution only)
– Loan balance plus interests and surcharges, if any
– Withholding tax (10% withholding tax charged against Earnings on Member’s Contribution)
– Withdrawal Fee (10% of the amount of Earnings on Member’s Contribution net of withholding tax)*
– Service Fee of P200
= Net Proceeds

*As per Board Resolution No. 08-18-2018-4, any member who withdraws from the Fund shall be subjected to a ten percent (10%) withdrawal fee upon such withdrawal, effective August 19, 2018.

Oo, pero ibabawas muna ang anumang loan balance, kasama ang interest at surcharges kung meron, sa matatanggap na net proceeds.

Oo, maaaring mag-apply muli bilang miyembro ng UPPF ang isang miyembrong nag-withrdaw ng membership at empleyado pa rin ng UP. Pero para sa mga miyembrong nag-withdraw on or after August 23, 2021, maaari lamang mag-reapply bilang miyembro pagkatapos ng isang taon mula sa date of withdrawal (as per Board Resolution No. 08-23-2021-3-7). Ibig sabihin, kung ang date of withdrawal ng miyembro ay November 30, 2023, maaari lamang siyang mag-apply muli na maging miyembro simula December 1, 2024 o isang taon mula sa kanyang date of withdrawal of membership.

Maaari lamang mag-apply ng loan pagkatapos ng isang taon mula sa date of membership (as per Board Resolution No. 08-23-2021-3-7).

Ang portion ng UP Contribution at Earnings on UP Contribution ng inyong Member’s Equity ay maiiwan sa UPPF at makukuha sa oras na kayo ay mag-retire, mag-resign, o mag-terminate ng employment sa UP kung hindi kayo magre-reapply as member habang empleyado ng UP.

Kung kayo ay empleyado pa rin ng UP at nag-apply muli bilang returning member, ang naiwang UP Contribution at Earnings on UP Contribution ay ibabalik at idadagdag sa inyong Member’s Equity.

Kapag kumpleto ang isinubmit na requirements, maaaring makuha ang net proceeds ng inyong withdrawal claim within two (2) days after the processing cut-off for the week.

Ibig sabihin, kung ang application ay nai-submit bago ang Monday 12 noon cut-off, matatanggap ang net proceeds claim on Wednesday afternoon (except holidays and non-working days).

Kung ang application ay nai-submit pagkatapos ng Monday 12 noon cut-off pero bago ang Wednesday 12 noon cut-off, makukuha ang withdrawal claim on Friday afternoon (except holidays and non-working days).

Lahat ng application na natanggap ng aming opisina after Wednesday 12 noon cut-off ay ipa-process sa susunod na linggo kasabay ng Monday 12 noon cut-off at makukuha ang withdrawal claim next Wednesday afternoon.

Application Process

Ihanda ang requirements.

Ihanda ang mga sumusunod:

  1. Withdrawal of Membership Form (download below); at                   
  2. Kopya ng dalawang (2) valid IDs
Step 1

Ihanda ang requirements.

Ihanda ang mga sumusunod:

  1. Withdrawal of Membership Form (download below); at                   
  2. Kopya ng dalawang (2) valid IDs
Step 1

I-submit ang required documents.

I-submit ang requirements sa aming opisina o ipadala ang mga ito gamit ang email. Bisitahin ang “Contact Us” page para malaman ang lokasyon ng opisinang malapit sa inyo o ang email address ng cluster office kung saan dapat ipadala ang inyong mga dokumento.

Step 2.

Hintayin ang release ng tseke o deposit sa inyong bank account.

Kapag kumpleto ang isinubmit na requirements, maaaring makuha ang withdrawal of membership claim within two (2) days after the processing cut-off for the week.

Ibig sabihin, kung ang kumpletong requirements ay nai-submit bago ang Monday 12 noon cut-off, makukuha ang withdrawal of membership claim on Wednesday afternoon (except holidays and non-working days).

Kung ang application ay nai-submit pagkatapos ng Monday 12 noon cut-off pero bago ang Wednesday 12 noon cut-off, makukuha ang withdrawal of membership claim on Friday afternoon (except holidays and non-working days).

Lahat ng application na natanggap ng aming opisina after Wednesday 12 noon cut-off ay ipa-process sa susunod na linggo kasabay ng Monday 12 noon cut-off at makukuha ang withdrawal of membership claim next Wednesday afternoon.

Step 3.

Forms

Withdrawal of Membership Application Form

Bank Deposit Authorization Form