About Personal Equity Loan (PEL)
Ang Personal Equity Loan o PEL ay ang pautang ng UPPF para sa lahat ng active members in good standing (i.e., no loan default) na may monthly net take-home pay na higit sa P5,000. Maaaring gamitin ang loan proceeds sa kahit anong nais pagkagastusan ng miyembro. Maaari ring mag-apply ng re-loan o renewal of loan kung nakapagbayad na ng at least three (3) months of monthly amortization.
Forms
PEL Loan Info Slip
Apply for a loan today!
Online Loan Application using the Members Portal
Puntahan ang Loan Application section.
Pagka-login sa Members Portal, i-click ang “Loan Application” link sa menu at i-click ang “Apply for Loan” button. Piliin ang Personal Equity Loan at ilagay lahat ng hinihinging impormasyon. Tatanungin dito ang halaga na nais mong utangin at detalye ng bank account kung saan nais mong ipa-deposito ang loan proceeds.

I-upload ang requirements.
I-upload ang mga kailangang dokumento tulad ng valid ID, kopya ng UP payslip sa huling dalawang buwan, at kopya ng katibayan ng iyong ibinigay na bank account. Importanteng ma-input din ang valid email address dahil dito ipapadala ang loan confirmation link. Ibigay din ang iyong cellphone number upang kayo ay makontak kung sakaling may kailangan ipaalam o itanong sa inyo ang aming staff. Pindutin ang Submit button para i-submit ang loan application.

I-confirm ang inyong loan.
Maghintay ng 1-2 business days para sa mensahe tungkol sa status ng inyong application. Kung walang problema ang processing ng inyong application, makakatanggap kayo ng email na nagsasabing mag-login sa account para i-confirm ang loan. Importante ang step na ito para ma-confirm na tama ang bank account number at halaga ng loan proceeds na inyong matatanggap.
Para i-confirm ang loan, mag-login sa Members Portal at i-click ang “Loan Application” link. I-click ang icon na nasa dulo upang makita ang detalye ng loan application. Sa bandang ibaba, i-click ang “Agree” kung nais i-confirm ang loan at ituloy ang pag-deposito ng iyong loan proceeds. Maaari ring i-Cancel ang application kung ayaw niyo na itong ituloy.

Frequently Asked
Questions
Matatanggap ang loan proceeds sa iyong bank account two (2) days after the processing cut-off for the week.
Ibig sabihin, kung ang loan application ay na-process at iyong na-confirm bago ang Monday 12 noon cut-off, makukuha ang loan proceeds on Wednesday afternoon (except holidays and non-working days).
Kung ang application ay na-process at iyong na-confirm pagkatapos ng Monday 12 noon cut-off pero bago ang Wednesday 12 noon cut-off, makukuha ang loan proceeds on Friday afternoon (except holidays and non-working days).
Lahat ng application na na-process at na-confirm after Wednesday 12 noon cut-off ay ipa-process sa susunod na linggo kasabay ng Monday 12 noon cut-off at makukuha ang loan proceeds next Wednesday afternoon.
Ang iyong loan amortization ay automatic na ibabawas sa iyong sweldo sa UP kada buwan. Kung sakaling may underpayment o kulang ang net pay para bayaran ang amortization, maaari mong kumpletuhin sa pamamagitan ng pag-deposito sa LandBank account ng UPPF. Makipag-ugnayan agad sa aming opisina kung may underpayment upang maiwasan ang surcharge.
Ang lahat ng approved loans ay may charge na P200 service fee. Kung ikaw ay nag-reloan, babawasan din ang loan proceeds ng existing loan balance at interest and surcharge, if applicable.
Hindi po. Inaprubahan ng ating Board of Trustees ang polisiyang nagsasaad na ang kabuuang halaga ng lahat ng utang ng isang miyembro ay hindi dapat sumobra sa halaga ng kanyang Member’s Equity. Ito ay para masiguradong makaka-kolekta ang UPPF at hindi malulugi ang kumpanya sakaling hindi magbayad ang mga miyembro.
Kapag nakabayad ka na ng tatlong (3) buwan na kumpletong amortization, maaari kang mag-reloan o mag-renew ng loan. Ibig sabihin, maaari ka uling makapangutang sa Provident Fund. Ibabawas ang balanse ng dati mong utang sa proceeds ng bago mong loan.
Kung may underpayment o hindi nakapagbayad ng kumpletong monthly amortizations ng higit sa tatlong buwan, ituturing na delinquent ang iyong loan. Lahat ng delinquent loans ay papatawan ng surcharge na ½ of 1% compounded monthly. Mas mainam na masigurong kumpleto ang inyong amortization buwan-buwan.
Pinapayagan ang partial o full payment ng loan balance anytime before the end of the loan period. Ang inyong payment ay idedeposito sa LandBank account ng UP Provident Fund. Mangyaring kontakin ang aming opisina para makuha ang karagdagang detalye tungkol dito. Pagkatapos maisagawa ang deposit, kailangan lang na isumite ang kopya ng validated deposit slip o any proof of payment upang ma-record ang payment sa account ninyo. Your proof of payment should preferably show the transaction date, time of payment, and reference or transaction number, if applicable.
Para ma-record ang inyong payment, kailangang isumite ang kopya ng validated deposit slip o any proof of payment sa aming opisina o through email o Facebook message. Hindi ito mare-record sa account ninyo hangga’t hindi napapadala sa amin ang kopya ng inyong deposit slip o proof of payment. The proof of payment should preferably show the transaction date, time of payment, and reference or transaction number, if applicable.
Kung umabot ng isang taon na hindi nakabayad ng monthly amortization o nagbayad ng hindi kumpletong amortization (underpayment), ang buong loan balance, kasama ang surcharges at interest, ay awtomatikong ibabawas sa iyong Member’s Equity, ayon sa polisiyang in-approve ng Board of Trustees.
Ang mga miyembrong na-offset ang loan (PEL) sa kanilang Member’s Equity ay hindi muna pwedeng mangutang ng parehong loan (PEL) sa loob ng anim (6) na buwan.
Pwede, pero hindi na full equity ang inyong loanable amount. Kung magre-reloan, pinapayagan na magre-loan ng parehong amount ng huling na-loan na amount. Kailangan ding siguraduhin na matatapos o maibibigay kaagad ang lahat ng requirements para sa retirement claim para maiwasan ang paglaki ng interest at surcharge kung hindi na makakabayad gamit ang net pay.
Oo, lahat ng new members ay maaari nang mag-apply ng loan. Ang loanable amount ay depende sa halaga ng kanyang Member’s Equity, years of service in UP, at halaga ng net pay.
Nag-withdraw ako ng membership at ngayon ay isang returning member, pwede ba akong mag-apply ng PEL?
Sa polisiyang in-approve ng Board of Trustees, ang mga miyembrong nag-withdraw on or after August 23, 2021 ay pwede lamang mag-apply ng loan makalipas ang isang taon mula nang bumalik siya bilang miyembro. (Source: BOT Resolution 08-23-2021-3-7)