Magandang balita!

Inaprubahan noong Marso 21, 2022 ng ating pamunuan at Board of Trustees (BOT) ang P25 million Special Dividends na ipagkakaloob sa lahat ng members on record as of December 31, 2021.

Ang spcial dividends na ito ay hiwalay at dagdag pa sa regular dividends na P120 million na nauna nang ipinamahagi at pinaghati-hatian ng mga miyembro noong January 2022.

Makikita na ngayong linggo ang dagdag na special dividends sa inyong account sa Members Portal.

Sa kabuuan, umabot na sa P145 million ang ipinagkaloob na regular and special dividends ng Provident Fund para sa taong 2021 lamang.

Ang special dividends ay inisyatibo ng pamunuan ng Provident Fund upang lumaki ang makukuhang retirement o separation benefit at ang loanable amount ng lahat ng miyembro. Isa rin ito sa mga aktibidad na kabilang sa pagdiriwang ng ating 25th anniversary ngayong taon.

Para malaman kung magkano ang natanggap ninyong Special Dividends, mag-login lamang sa Members Portal.

Maraming salamat, ka-Provident Fund!