About Co-Borrower Loan (CBL)
Ang Co-Borrower Loan ay ang pautang ng UPPF para lamang sa mga miyembro na permanenteng empleyado ng UP. Maaring mag loan hanggang P100,000, kailangan lang ng co-borrower.
Forms
CBL Loan Info Slip
CBL Loan – Non-Negotiable Promissory Note w/ Deed of Assignment
Apply for a loan today!
Online Loan Application through Email
I-submit ang mga kailangang dokumento
I-submit ang forms pati mga kailangang dokumento (requirements) thru email o deretso sa aming opisina na makikita dito
Importante na nakasulat sa Information Slip ang inyong cellphone number upang kayo ay makontak ng UPPF Account Analyst na mag pro-proseso ng iyong application sakaling may kailangan ipaalam o itanong sa iyo.
I-submit ang mga kailangang dokumento
I-submit ang forms pati mga kailangang dokumento (requirements) thru email o deretso sa aming opisina na makikita dito
Importante na nakasulat sa Information Slip ang inyong cellphone number upang kayo ay makontak ng UPPF Account Analyst na mag pro-proseso ng iyong application sakaling may kailangan ipaalam o itanong sa iyo.
Hintayin ang pagpo-proseso
Kapag nai-submit na ang application, ipa-process na ito ng aming staff. Maghintay lang ng 1-2 business days para sa mensahe tungkol sa status ng inyong application
I-confirm ang loan application
At panghuli, kung ma approve ang iyong loan application, makakatanggap ka ng email o tawag na nagsasabi na available na pwede ng i-confirm ang loan application by signing the loan computation form.
Frequently Asked
Questions
Inaprubahan noong April 14, 1999 ng Board of Trustees na may Board Resolution No. 1999-04-01 ang Co-borrower loan (dating Multi-purpose Loan). Ang loanable amount nito ay hindi puwede lumagpas sa P100,000.
- Mga miyembro na permanent employee lamang ang status.
- in good standing o may contribution kada buwan
- may monthly net take home pay na mahigit sa P5,000 (maaaring mag-iba depende sa General Appropriations Act na ipinapasa sa Congress, DBM rule) plus the monthly loan amortization.
Ang loanable amount ay depende sa sumusunod (maximum of P100,000)
- 1 yr & above but less than 6 yrs of service – Net pay x 3
- 6 yrs & above but less than 11 yrs of service – Net pay x 5
- 11 yrs & beyond – Net pay x 7
Para sa Borrower at Co-borrower:
- Sign a promissory note with a notarized Deed of Assignment that includes a grant of authority to deduct from the insurance benefits whatever accountabilities the member has to the Fund;
- Designate the UPPFI as first beneficiary of his/her life insurance policy with Cocolife (current insurance provider of the Fund); and
- 2 months latest pay slip of principal and co-borrower
- proof of bank account
Policy on Co-borrowers:
- For loan amounts less than P60,000: One (1) or two (2) co-borrowers, permanent employees of UP, with net pay equal to or greater than the net pay of the borrower.
- For loan amounts P60,000– P100,000: At least two (2) co-borrowers, permanent employees of UP, with take home pay of at least P8,000 each.
- Approved the rule that guarantees executed by a member of the Corporation in favor of another member who secures co-borrower loans shall be included in the computation of the guaranteeing member’s allowable loan amount; provided that the allowable loan amount shall in no case exceed the equity of the relevant guaranteeing member. (The amount of loan guaranteed by a co-borrower shall be included in the computation of his/her own loanable amount, which in no case exceed his/her equity).
- A member could not be a co-borrower more than twice.
- That a co-borrower of a member could not make the principal as his own co-borrower.
Loan Amount | Maximum Years to Pay |
---|---|
•Below P30,000 | one year |
•P30,000 – P50,00 | two years |
•P50,001 – P100,000 | three years |
Maaari rin itong bayaran sa mas maikling panahon pero hindi pwede na mas matagal sa itinakdang payment term sa bawat loan amount na nabanggit.
Pinapayagan ang partial payment. Ito ay idedeposito sa Land Bank account ng UP Provident Fund. Kailangan lang na isumite ang validated deposit slip o anumang katibayan ng inyong deposito upang mairecord ito sa iyong loan ledger.
- 16% per annum
Ginagamit ang effective interest method sa pag-compute ng interest. Bumababa ang interest kung lumiliit ang principal na balanse ng utang.
Ang loan amortization ay ibabawas sa iyong sweldo kada buwan. Kung sakali na kulang ang naibawas o underpayment, maaari mong kumpletuhin ito sa pag deposito diretso sa Land Bank account ng UPPF upang maiwasan na magkaroon ng surcharge.
Pag nakabayad ka na ng anim (6) buwan na kumpletong amortization, maaari ka na mag re-loan at ibabawas ang balanse ng dati mong utang sa proceeds ng bago mong loan.
- Service fee – P200.00
- loan balance, if any
- interest and surcharge, if any
Kung hindi ka nakapagbayad ng kumpletong monthly amortization o nag underpayment ka ng higit sa tatlong buwan, ituturing itong delinquent at magkakaroon ng surcharge na ½ of 1% compounded monthly, naiipon ito na dumadagdag sa principal at interest kung kayat hinihikayat ang mga miyembro na magbayad ng kumpletong amortization.
Kung umabot ng isang taon na hindi ka nakabayad o nagbayad ng hindi kumpletong amortization (underpayment), ito ay automatikong ibabawas o i-ooffset sa iyong member’s equity.
Hindi pwedeng umutang uli ng parehong loan na na offset sa loob ng anim (6) na buwan.
Hindi na ito pinapayagan sa kadahilanang sosobra sa inyong equity ang magiging balanse ng inyong utang.
Matatanggap ang loan proceeds sa iyong bank account two (2) days after the processing cut-off for the week.
Ibig sabihin, kung ang loan application ay na-process at iyong na-confirm bago ang Monday 12 noon cut-off, makukuha ang loan proceeds on Wednesday afternoon (except holidays and non-working days).
Kung ang application ay na-process at iyong na-confirm pagkatapos ng Monday 12 noon cut-off pero bago ang Wednesday 12 noon cut-off, makukuha ang loan proceeds on Friday afternoon (except holidays and non-working days).
Lahat ng application na na-process at na-confirm after Wednesday 12 noon cut-off ay ipa-process sa susunod na linggo kasabay ng Monday 12 noon cut-off at makukuha ang loan proceeds next Wednesday afternoon.
Ang new member ay maaari nang mag apply ng loan pero kailangan siya ay permanent employee.
Ang mga nag withdraw naman na mga members on or after August 23, 2021 ay pwede lang mag apply ng loan makalipas ang isang taon mula ng bumalik sya bilang miyembro. (BOT Resolution 08-23-2021-3-7)
Oo. Kahit maliit ang equity pwede pa ring makautang ng CBL dahil may co-borrower ka naman na parang ipapahiram sayo ang kanyang member’s equity.
Una, pwede mo itong bayaran ng buo, kontakin mo lang ang UPPF.
Pangalawa, kapag hindi mo ito binayaran, ang iyong co-borrower ang magbabayad ng iyong natitirang loan balance.
Kada katapusan ng taon, mayroon ibinibigay na Patronage Refund na 5% ng kabuuang interest na naibayad. Ang mga miyembro na entitled dito ay mga:
- in good standing , walang underpayment at non-payment kahit isang buwan
- nagbayad ng di bababa sa anim (6) na buwan na kumpletong monthly amortization
Hindi po maaaring pagsabayin ang PEL at CBL.
May dalawang paraan kung paano mag apply ng CBL:
- Pumunta sa opisina ng UPPF sa inyong campus at dalhin ang kumpletong requirements. Ang Account Analyst ay malugod kayong i-aassist para sa inyong loan application.
- Dahil sa panahon ng pandemya ngayon, hinihikayat ang mga miyembro na mag apply ng CBL online thru email para sa mas mabilis at convenient na paraan.