Balance Transfer Loan (BTL)

About Balance Transfer Loan (BTL)

Ang Balance Transfer Loan o BTL ay pautang ng UP Provident Fund na nagpapahintulot sa mga miyembro na ilipat sa UP Provident Fund ang balanse ng kanilang utang sa credit card, bangko, coop, o iba pang lending institutions sa mas mababang interest rate. Maaaring umutang hanggang 100% ng Member’s Equity.

Eligibility

Maaaring mag-avail ng BTL ang mga miyembro ng UP Provident Fund na:

  • in good standing (may contribution kada buwan at walang loan default); at
  • may monthly net take-home pay na mahigit sa P5,000 (mula sa patakaran ng DBM galing sa batas na General Appropriations Act na ipinapasa ng Congress).

Loan Amount

Kung employed ka ng UP ng 15 years o higit pa: maaaring mag-loan hanggang 100% ng iyong equity


Kung employed ka ng UP ng lampas 4 years ngunit hindi lalampas ng 15 years: maaaring mag-loan hanggang 85% ng iyong equity.


Kung employed ka ng UP ng hindi lalampas sa 4 years: maaaring mag-loan hanggang 75% ng iyong equity.


Ang inyong final approved loan amount ay depende pa rin sa net take-home pay na magiging basehan sa pag-compute ng monthly amortization. Kailangan ding may maiwan na at least P5,000 sa net take-home pay ng empleyado ng gobyerno, ayon sa patakarang pinaiiral ng Department of Budget and Management (DBM).


LOAN DURATION: Maaring bayaran ang BTL amount for a minimum of one (1) year at maximum katumbas ng number of remaining years ng inyong existing loan (to be rounded up). Halimbawa: Kung ang natitirang loan period mula sa pinaglipatang institusyon ay 5 years and 1 month, kapag na transfer na ito sa UPPF, ang inyong BTL loan term ay mara-round up sa 6 years.

Interest Rate

BTL Interest Rate = Annual interest rate of the loan to be transferred minus two (2) percentage points


Halimbawa: Kung ang iyong credit card loan ay nagcha-charge ng 16% interest rate per annum (p.a.), kapag inilipat ito sa UPPF ay magiging 14% p.a. ang interest rate ng inyong BTL (i.e., 16% minus 2% = 14%).

Requirements

1. Balance Transfer Loan Info Slip (download below)


2. Copy of two (2) months most recent UP payslip


3. Original copy of bank certification or official statement from the bank or financial institution issued in the last one (1) month containing latest loan details, specifically stating, among others

  • Interest Rate of the loan;
  • Remaining loan or principal balance;
  • Loan maturity date or date of final amortization payment;
  • Repricing period, if applicable

Forms

BTL Loan Info Slip

Online Loan Application through Email

I-download at kumpletuhin ang Balance Transfer Loan (BTL) Info Slip.

Download and fill out the BTL Info Slip.

Step 1

I-download at kumpletuhin ang Balance Transfer Loan (BTL) Info Slip.

Download and fill out the BTL Info Slip.

Step 1

I-submit ang requirements.

I-submit ang mga kailangang dokumento (requirements) sa aming opisyal na email address.

Importante na nakasulat sa Information Slip ang inyong cellphone number upang kayo ay makontak ng UPPF Account Officer na magpo-proseso ng iyong application sakaling may kailangang ipaalam o itanong sa inyo.

Step 2.

I-submit ang requirements.

I-submit ang mga kailangang dokumento (requirements) sa aming opisyal na email address.

Importante na nakasulat sa Information Slip ang inyong cellphone number upang kayo ay makontak ng UPPF Account Officer na magpo-proseso ng iyong application sakaling may kailangang ipaalam o itanong sa inyo.

Step 2.

Hintayin ang approval ng inyong application.

Maghintay lamang ng 3-4 business days para sa mensahe ng aming staff tungkol sa status ng inyong BTL application.

Step 3.

Hintayin ang approval ng inyong application.

Maghintay lamang ng 3-4 business days para sa mensahe ng aming staff tungkol sa status ng inyong BTL application.

Step 3.

Kunin ang tseke ng inyong loan proceeds.

Kapag na-approve na ang inyong loan, makakatanggap kayo ng email o tawag na nagsasabing available na ang tseke ng inyong loan proceeds.

Step 4.

Kunin ang tseke ng inyong loan proceeds.

Kapag na-approve na ang inyong loan, makakatanggap kayo ng email o tawag na nagsasabing available na ang tseke ng inyong loan proceeds.

Step 4.

Frequently Asked

Questions

Ang Balance Transfer Loan o BTL ang loan product ng UPPF na nagpapahintulot sa mga miyembro na ilipat sa UP Provident Fund ang balanse ng kanilang utang galing sa isang pre-qualified na institusyon sa mas mababang interest.

Maaaring mag-avail ng BTL ang mga miyembro ng UP Provident Fund na:

  • in good standing (may contribution kada buwan at walang loan default); at
  • may monthly net take-home pay na mahigit sa P5,000 (mula sa patakaran ng DBM galing sa batas na General Appropriations Act na ipinapasa ng Congress).
  • Ang loanable amount ay depende sa years of service sa UP, sa halaga ng inyong Member’s Equity, at sa natitirang amount sa inyong monthly net pay.

    • less than 4 years of service – up to 75% of your Member’s Equity
    • 4 years but less than 15 years of service – up to 85% of your Member’s Equity
    • at least 15 years of service – up to 100% of your Member’s Equity

    Ang final approved loan amount ay depende rin sa net take-home pay na magiging basehan sa pag-compute ng inyong monthly amortization. Kailangang may maiwan na at least P5,000 sa net take-home pay ng empleyado ng gobyerno, ayon sa patakarang pinaiiral ng Department of Budget and Management (DBM).

    BTL Interest Rate = Annual interest rate of the loan to be transferred minus two (2) percentage points

    Halimbawa: Ang iyong car loan na inutang sa bangko ay nagcha-charge ng 10% interest rate per annum (p.a.). Maaari itong ilipat sa UPPF at ang bagong interest rate ng iyong BTL sa UPPF ay magiging 8% p.a. na lamang (i.e., 10% minus 2% equals 8%).

    Tandaan lamang na simula January 1, 2023, ang mga utang na may minimum annual interest rate na 10% p.a. ang maaaring ilipat sa BTL

    • Duly accomplished BTL Information Slip
    • Copy of 2 months latest payslip
    • Original copy of bank certification or official statement from the bank, credit card, or financial institution issued in the last one (1) month containing the latest loan details, specifically stating, among others:
      1. Interest Rate of the loan
      2. Remaining loan or principal balance;
      3. Loan maturity date or date of final amortization payment;
      4. Repricing period, if applicable
    • Minimum of one (1) year
    • Maximum number of years = remaining years of the existing loan*

    *To be rounded up. Halimbawa: Halimbawa: Kung ang natitirang termino ng pautang ay 5 taon at 1 buwan, kapag inilipat sa UP Provident Fund, ang BTL loan term ay magiging 6 na taon para mas bumaba pa ang inyong monthly amortization. Maaari rin itong bayaran sa mas maikling panahon.

    Pinapayagan ang partial payment. Ito ay idedeposito sa Land Bank account ng UP Provident Fund. Kailangan lang na isumite ang validated deposit slip o anumang katibayan ng inyong deposito upang mairecord ito sa iyong loan ledger.

    Ang loan amortization ay ibabawas sa iyong sweldo kada buwan. Kung sakali na kulang ang naibawas o underpayment, maaari mong kumpletuhin ito sa pag deposito diretso sa Land Bank account ng UPPF upang maiwasan na magkaroon ng surcharge.

    Lahat ng pautang ng isang rehistradong institusyon sa Pilipinas na pinapayagang mag-offer ng retail loans ay maaari sa BTL. Kasama dito ang housing loan, car loan, credit card loan, online lending app loan, cooperative loan, personal loan, business loan, at iba pa.

    Tandaan lamang na simula January 1, 2023, ang mga utang na may minimum annual interest rate na 10% p.a. ang maaaring ilipat sa BTL.

    Lahat ng pautang ng isang rehistradong institusyon sa Pilipinas na pinapayagang mag-offer ng retail loanstulad ng bangko, GSIS, Pag-IBIG, credit card company, cooperative, online lending app, etc. — ay maaari sa BTL. Hindi maaari sa BTL ang pautang ng isang tao o isang institusyon na hindi rehistrado.

    Hindi ito pwedeng i-renew o i-re-loan

    • Service fee – P200.00
    • loan balance mula sa ibang financial institution

    Kung hindi ka nakapagbayad ng kumpletong monthly amortization o nag underpayment ka ng higit sa tatlong buwan, ituturing itong delinquent at magkakaroon ng surcharge na ½ of 1% compounded monthly, naiipon ito na dumadagdag sa principal at interest kung kayat hinihikayat ang mga miyembro na magbayad ng kumpletong amortization.

    Kung umabot ng isang taon na hindi ka nakabayad o nagbayad ng hindi kumpletong amortization (underpayment), ito ay automatikong ibabawas o i-ooffset sa iyong member’s equity.

    Cut-off: Monday 12NN, Friday release ng tseke

    Kung nakapag apply ka ng Monday, at na-approve ng BTL committee ng Miyerkules, ang tseke ay magiging available sa Biyernes pero depende pa rin sa mga pipirma ng tseke kung available ang mga ito.

    Hindi. Ang tseke ay awtomatikong nakapangalan sa financial institution/bank kung saan galing ang utang na ipinalipat sa UPPF.

    Kada katapusan ng taon, mayroon ibinibigay na Patronage Refund na 5% ng kabuuang interest na naibayad. Ang mga miyembro na entitled dito ay mga:

    • in good standing , walang underpayment at non-payment kahit isang buwan
    • nagbayad ng di bababa sa anim (6) na buwan na kumpletong monthly amortization

    Ibabawas sa makukuhang benefit claim (equity) ang balanse kasama ang interest at surcharge kung mayroon man.

    May dalawang paraan kung paano mag apply ng BTL:

    • Pumunta sa opisina ng UPPF sa inyong campus at dalhin ang kumpletong requirements. Malugod kayong i-aassist ng aming Account Officer para sa inyong loan application.
    • Maaari ring i-submit ang kumpletong requirements via email.