Paano makukuha ang dividends o partial return of equity para sa taong 2021?
Good news!
Simula Lunes, January 31, 2022, maaari na kayong mag-request na makuha ang inyong dibidendo o Partial Return of Equity para sa taong 2021.
Dahil 25 years na ang UP Provident Fund (UPPF) ngayong 2022, inaprubahan ng ating Board of Trustees na pwedeng i-withdraw ng mga miyembro ang 25% ng matatanggap na dibidendo. Ang special withdrawal rate na ito ay mas mataas sa nakagawiang 6% at inaprubahan ng ating Board kasabay ng pagdiriwang ng 25th anniversary ng UPPF ngayong taon.
May tatlong options ang miyembro para sa kanyang dibidendo.
- Option A: Withdrawal
- Option B: Offsetting/pambayad sa utang sa Provident Fund
- Option C: Reinvestment ng dibidendo
Mag login lamang sa inyong account sa ating Members Portal mula Jan. 31, 2022 hanggang Feb. 13, 2022 at i-submit ang inyong napiling option. Kung wala kaming matatanggap na request, automatic na Option C (Reinvestment) ang mangyayari sa inyong dibidendo.
Panoorin ang video at sundan ang simpleng steps sa ibaba para ma-withdraw, ma-offset sa utang sa Provident Fund, o ma-reinvest ang inyong dibidendo para sa taong 2021.
Maraming salamat, ka-Provident Fund!